Skip to content

Ang saklaw ng Medicare na ginawa para sa iyo

Ang Blue Shield of California ay isang non-profit na planong pangkalusugan na may misyong tiyakin na ang lahat ng taga-California ay may access sa mataas na kalidad na pangangalagang pangkalusugan.

Kung bakit pinili ng mga karapat-dapat sa Medicare na mga taga-California ang Blue Shield
#1 na Medicare Supplement plan sa California

Ang Blue Shield ang pinakamahusay ng Medicare Supplement plan ng California sa 5 sunud-sunod na taon (2021 hanggang 2025)1

Ang Blue Shield Promise ay planong pangkalusugan na hindi negosyo

Bilang hindi negosyo, ginagamit muli ng Blue Shield ang mga kita nito para sa kalusugan ng mga miyembro at mga komunidad

Ang iyong kalusugan ang aming misyon

Sinisikap naming makagawa ng healhtcare system na sulit para sa ating pamilya at mga kaibigan at nananatiling abot-kaya

 Tuklasin ang mga plano sa iyong lugar

Thanks! You’re going to:

We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.
Ano ang kasama sa iyong Blue Shield plan?
Medicare Advantage Prescription Drug plans (MAPD)

Kumbinyente at abot-kaya: Ang mga plano ay binuo na may mga abot-kayang benepisyo, tampok, at mga pangangailangan sa pamumuhay. Ang mga Optional Supplemental Dental plan para sa karamihan ng mga miyembro ay may kasamamng saklaw para sa ngipin.

Medicare Supplement plans

Kalayaan at pagpili: Ang ilan sa aming mga plano ay nag-aalok ng higit pa sa mga karaniwang benepisyo, tulad ng over-the-counter (OTC) items allowances, hearing aid, serbisyo sa paningin, access sa Teladoc Health, at iba pa, depende sa Blue Shield Medicare Supplement plan na iyong pipiliin.

Medicare Prescription Drug Plans

Pagsaklaw sa iyong mga reseta: Nag-aalok ang Blue Shield ng plan para sa saklaw na mga resetang gamot para sa mga miyembro ng Original Medicare o Medigap. Kabilang sa mga iniaalok nito ang pagbabayad ng hindi hihigit sa $35 para sa isang buwang suplay ng insulin, $0 para sa bakuna, at limit sa gastos mula sa sariling bulsa.

Dual Special Needs Plan (HMO D-SNP) 

Kung kwalipikado ka para sa Medicare at Medi-Cal: Pinagsasama ng planong ito ang saklaw ng iyong Medicare at Medi-Cal para maging isang plano na madaling pamahalaan. Nag-aalok ito ng ekstrang benepisyo para masuportahan ang iyong pangangalaga. Kasama dito ang pagkakaroon ng personal care coordinator at mga benepisyo sa ngipin, paningin, at pandinig. Available sa mga county ng Los Angeles at San Diego.

Tingnan kung kasama ang iyong provider

Nauunawaan namin kung gaano kahalaga na manatili sa iyong doktor. Ang aming mga Medicare Supplement plan ay nagbibigay ng saklaw at mga serbisyo mula sa sinumang doktor at ospital na tumatanggap ng Medicare. Sa Blue Shield, ang aming mga MAPD plan ay may isa sa pinakamalalaking network ng mga doktor at ospital sa California. Alamin ang pinakabagong listahan ng mga provider sa aming direktoryo ng provider.

Tuklasin ang mga Medicare plan ng Blue Shield

Hayaan ang Blue Shield of California na tulungan kang gawing mas madali ang pagpili ng Medicare plan. Tuklasin ang mga planong nagbibigay sa iyo ng pagkakataong magamit ang mga benepisyong pinakamahalaga sa iyo.

Kailangan mo ba ng personal na gabay?

Tawagan kami sa 844-345-8052 (TTY:711)* para makausap ang isang Blue Shield Medicare Advisor. Puwede ka ring  mag-book ng iyong appointment online kung kailan kumbinyente sa iyo.

Iba pang resources
4 na kahanga-hangang katangian ng MAPD plan na hindi mo dapat palampasin 

Ang mga Blue Shield Medicare Advantage plan ay ginawa para mas madali mong maabot ang iyong mga layunin sa kalusugan. Sinasaklaw namin ang Taunang Pagbisita ukol sa Wellness o Kagalingan, SilverSneakers, iba't ibang gamot, maraming screening test, at iba pa.

Mga event ng Medicare

Dumalo sa isang Medicare webinar o nang personal sa iyong lugar. Matuto nang higit pa tungkol sa mga Blue Shield Medicare plan at masagot ang iyong mga katanungan.

Mag-download ng libreng booklet†

Kumuha ng libreng kopya ng  "Ang Iyong Ginagabayang Landas sa Medicare" para maintindihan ang mga puwede mong pagpiliang saklaw.

Maghanap ng plano sa iyong lugar

Thanks! You’re going to:

We’ve sent you an email with a link and all the relevant information for the event.

Narito ang aming dedikadong team para matiyak na makukuha mo ang saklaw na kailangan mo. Tawagan kami sa  844-345-8052 (TTY: 711)* para kumunekta sa isang Blue Shield Medicare Advisor. Puwede mo ring i-book ang iyong appointment online.

 

1 Ang Blue Shield of California ay #1 sa market share para sa mga indibidwal na plano ng Medicare Supplement sa California noong 2021, 2022, 2023, 2024, at 2025 ayon sa datos ng estado at datos ng market share na ibinibigay taun-taon ng Mark Farrah Associates, isang data aggregator at publisher.

Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, at PDP plan na may kontrata sa Medicare at kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.

 

 

 

Y0118_26_154A1_M Accepted 08102026
H2819_26_154A1_M Accepted 08102026

Huling na-update ang page: 10/1/2026