Skip to content

Hinihiling ang Medication Therapy Management (MTM) Program ng Centers for Medicare & Medicaid Services (CMS) sa lahat ng sponsor ng Medicare Part D. Ang layunin ng MTM program ay tulungan ng pharmacist o iba pang propesyonal sa kalusugan ang mga miyembro ng Medicare Part D na may mga kumplikadong pangangailangan sa kalusugan na i-manage ang kanilang mga gamot.

Magbibigay ang mga pharmacist mula sa Blue Shield of California o ang aming nakakontratang vendor, ang OutcomesTM, ng mga serbisyo ng MTM para sa mga miyembrong karapat-dapat. Ang mga pharmacist na ito ay mula sa Outcomes, sa lokal na komunidad, o bahagi ng aming network ng mga provider na pharmacist at magbibigay ng mga review ng gamot sa pamamagitan ng telepono o nang personal para tulungan ang mga miyembro:

  • Intindihin ang kanilang mga gamot at kondisyon
  • Bawasan ang mga posibleng side effect mula sa pag-inom ng gamot, kabilang ang mga interaksyon ng mga gamot
  • I-assess kung may mas murang alternatibo

Pagiging Karapat-dapat sa Medicare Part D Medication Therapy Management Program

Ma-e-enroll ang mga miyembro sa MTM program namin kung kabilang sila sa isa sa mga sumusunod na partikular na grupo:

1. Mga minimum na threshold ng CMS (kailangang matugunan ng benepisyaryo ang bawat pamantayan):

a. Na-diagnose na may tatlo sa mga sumusunod na hindi gumagaling na kondisyong medikal:

• Alzheimer's Disease
• Mga sakit sa buto – arthritis (kabilang ang osteoporosis, osteoarthritis, at rheumatoid arthritis) 
• Chronic heart failure (CHF)
• Diabetes
• Dyslipidemia
• End-Stage na Sakit sa Bato (End-stage renal disease, ESRD)
• Human immunodeficiency virus/Acquired immunodeficiency syndrome (HIV/AIDS)
• Alta Presyon
• Kalusugan ng Isip (kabilang ang depresyon, schizophrenia, bipolar disorder, at iba pang hindi gumagaling/nakakabaldadong kondisyon ng kalusugan ng isip)
• Respiratory disease (kabilang ang hika, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), at iba pang hindi gumagaling na sakit sa baga)

 

b. Nakakatanggap ng hindi bababa sa walo o higit pang covered na Part D na maintenance na gamot kada buwan

c. Malamang na magkakaroon ng hindi bababa sa $1,340 na taunang gastos sa Part D na gamot

2. Natukoy bilang isang benepisyaryo na nasa panganib (at-risk beneficiary, ARB), gaya ng tinukoy ng 42 CFR § 423.100, dahil sa paggamit ng mga opioid at potensyal na benzodiazepine na gamot.

 

Kung kwalipikado ka, makakatanggap ka ng sulat na naglalaman ng impormasyon tungkol sa programa at may kasamang impormasyon sa kung paano makakapag-schedule ng appointment sa isang pharmacist. Maaari ka ring makatanggap ng mga naka-automate o direktang tawag mula sa isang propesyonal sa kalusugan na magbibigay ng higit pang impormasyon tungkol sa MTM.

Wala kang dagdag na gastos at maaari kang magdesisyong hindi lumahok. Kung ayaw mo o kung hindi ka makakalahok, kontakin ang Blue Shield of California para hindi ka na isali sa programa. Gayunpaman, inirerekomenda naming gamitin at sulitin mo ang serbisyong ito kung natutugunan mo ang mga kahilingan sa pagiging karapat-dapat.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Medication Therapy Management Program namin, tumawag sa Blue Shield customer service sa numero na nasa ID card mo.

 

Mga serbisyo ng Programa sa Pamamahala ng Medication Therapy

Binubuo ang MTM program ng dalawang pangunahing serbisyo:

  • Taunang Komprehensibong Pagsusuri sa Gamot (Comprehensive Medication Review, CMR)
  • Targeted na Pagsusuri sa Gamot (Targeted Medication Review, TMR)

Makikipagtulungan ang mga pharmacist nang direkta sa mga miyembrong karapat-dapat makatanggap ng mga serbisyo at mga provider para tiyakin na masulit ng mga miyembro ang mga benepisyo mula sa mga gamot na iniinom nila.

 

1. Taunang Komprehensibong Pagsusuri sa Gamot (Comprehensive Medication Review, CMR)

Magsasagawa ang mga pharmacist ng one-on-one na konsultasyon sa pamamagitan ng telepono o nang personal sa mga miyembro para masuri ang kanilang record sa paggamot, kabilang ang reseta, over-the-counter (OTC), at mga alternatibong therapy na paggamot.

Makakatanggap ang miyembro ng nakasulat na buod ng konsultasyon, na may mahahalagang assessment at rekomendasyon. Maaari ring makipag-ugnayan ang pharmacist sa nagreresetang doktor ng miyembro para ma-coordinate ang pangangalaga o magkapagrekomenda ng mga pagbabago sa therapy.

Standard Patient Takeaway, English (PDF, 287 KB)

Standard Patient Takeaway, Spanish (PDF, 337 KB)

Standard Patient Takeaway, Arabic (PDF, 353 KB)

Standard Patient Takeaway, Armenian (PDF, 256 KB)

Standard Patient Takeaway, Simplified na Chinese (PDF, 454 KB)

Standard Patient Takeaway, Traditional na Chinese (PDF, 405 KB)

Standard Patient Takeaway, Farsi (PDF, 262 KB)

Standard Patient Takeaway, Khmer (PDF, 358 KB)

Standard Patient Takeaway, Korean (PDF, 396 KB)

Standard Patient Takeaway, Russian (PDF, 410 KB)

Standard Patient Takeaway, Tagalog (PDF, 310 KB)

Standard Patient Takeaway, Vietnamese (PDF, 315 KB)

 

2. Targeted na Pagsusuri sa Gamot (Targeted Medication Review, TMR)

Tinutugunan ng TMR ang natukoy na problema sa gamot o ina-a-assess kung may potensyal na problema na may kaugnayan sa gamot at isasagawa ito para sa mga miyembrong karapat-dapat makatanggap ng mga serbisyo nang kahit kada quarter man lang sa buong taon.

Magpa-follow up ang mga pharmacist sa mga miyembro kung kailangan at maaaring kumontak sa nagreresetang doktor o doktor ng pangunahing pangangalaga ng miyembro para magrekomenda ng pagbabago sa therapy.

Ang Blue Shield of California ay isang HMO, HMO D-SNP, PPO at PDP plan na may kontrata sa Medicare at may kontrata sa California State Medicaid Program. Ang enrollment sa Blue Shield of California ay nakadepende sa pag-renew ng kontrata.

Y0118_26_202A1_C 10012026
H2819_26_202A1_C 10012026

Page last updated: 10/06/2026